Putin, handang ibahagi ang mga napag-usapan nina Trump at Russian diplomats

By Kabie Aenlle May 18, 2017 - 04:10 AM

 

TRUMP AT PUTINNag-alok si Russian President Vladimir Putin sa US Congress na ibibigay niya ang kanilang mga notes tungkol sa naging pag-uusap ni President Donald Trump at ng mga Russian diplomats.

Matatandaang nabunyag kamakailan na nagbanggit si Trump ng mga classified information nang makausap nito ang mga diplomats ng Russia.

Lumabas rin ang ulat na personal pang umapela si Trump kay FBI Director James Comey na itigil na ang imbestigasyon kay National Security Adviser Michae Flynn tungkol dito, na ikinagalit at itinanggi naman ng White House.

Minaliit ng White House ang impormasyon na naibigay ni Trump sa mga Russians, at iginiit na galing ang mga ito sa Israel sa ilalim ng intelligence-sharing agreement.

Iginiit din ni Trump na mayroon siyang karapatan na magbahagi ng mga impormasyong may kaugnayan sa terorismo at airline safety sa Russia.

Gayunman, matindi ang naging pagkabahala dito ng mga kaalyado ng US at ng mga mambabatas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.