4 sundalo patay, 8 sugatan sa artillery fire accident sa Indonesia

By Jay Dones May 18, 2017 - 04:11 AM

 

south-korea-fireApat na sundalong Indonesian ang nasawi samantalang walo pa ang nasugatan makaraang aksidenteng tamaan ang mga ito ng artillery fire sa kalagitnaan ng isang rapid response training exercise sa South China Sea.

Ayon sa tapagsalita ng Indonesian army, naganap ang aksidente sa Natuna islands sa hilagang bahagi ng Borneo, Indonesia kahapon.

Isa umanong artillery ng anti-aircraft weapons system ang aksidenteng napuntirya ang grupo ng mga sundalo na nagsasagawa ng pagsasanay.

Agad na naglunsad ng imbestigasyon ang Indonesian army upang matukoy ang puno’t dulo ng aksidente.

Nagpahatid na rin ng pakikiramay ang pamunuan ng Indonesian army sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.