Pinatataasan ni Senador Sonny Angara ang tax exemption sa mga balikbayan boxes na ipadadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, binibigyan na niya ngayon ng prayoridad ang panukalang Customs Modernization and Tariff Act o CMTA na magbibigay-daan para magkaroon ng reporma ang Bureau of Customs.
Sa panukalang CMTA, tataasan ang ceiling ng tax at duty free items and goods mula sa mga OFW.
Mula sa kasalukuyang 10,000 na halaga ng laman ng balikbayan boxes, gagawin na itong 150,000 pesos.
“We need to update this outdated value. P10,000 is now too small and will not even justify the cost of enforcement if we recover goods slightly over this value. Let’s just focus on bigger fish and big time violators given our limited enforcement capacities,” paliwanag ni Angara.
“OFWs bringing their belongings and pasalubong to their loved ones here in the country is part of the Filipino culture. Huwag naman sana natin parusahan ang ating mga OFW sa pagpataw ng mataas na buwis. Ilang buwan o taon nilang pinaghirapan at pinag-ipunan ang kanilang mga ipinadadala sa kani-kanilang pamilya na excited na naghihintay dito sa bansa. Nakalulungkot na pagdating ng mga balikbayan box na ito ay makikitang bawas o kaya’y may mga sira na,” dagdag pa ng senador.
Naniniwala si Angara na ang pagtataas ng ceiling sa tax exemption ang magbibigay hustisya sa mga OFW na nagbibigay ng remittances sa bansa ng bilyung bilyong piso kada taon./ Chona Yu