Cayetano inulan ng papuri sa pagsalang sa C.A plenary

By Jan Escosio May 17, 2017 - 05:31 PM

Cayetano-DutertePinagtibay na ng Commission on Appontments (C.A) sa plenaryo ang nominasyon ng kumpirmasyon ni Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foriegn Affairs.

Si Sen. Ping Lacson, bilang chairman ng C.A Foreign Relations Committee ang nagsulong ng nominasyon ni Cayetano na sinegundahan naman nina San Juan Rep. Ronnie Zamora at Senators Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito.

Sa kanilang sponsorship speech ay binigyang diin ang hindi matatawarang galing at karanasan ni Cayetano sa lehislatura at pagiging public servant gayundin ang pagiging makabayan nito at kakayahan na katawanin ang Pilipinas sa international community.

Samantala, maliban kay Cayetano ay kinumpirma din ng C.A ang appointment nina Ambassador Wilfredo Cunanan Santos sa Republic of Iran, Ambassador Bernardita Leonida Catalla sa Lebanon, Ambassador Adnan Villaluna Alonto sa Saudi Arabia gayundin ang dalawang foreign service officers na sina Jim Minglana at Robert Eric Borje.

TAGS: Cayetano, commisiion on appointments, DFA, Cayetano, commisiion on appointments, DFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.