Duterte may bagong TV show na ilalabas

By Chona Yu May 17, 2017 - 04:08 PM

Duterte fistAarangkada na sa government station ang tv program ni pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang programang may titulong “Mula sa masa para sa masa”.

Base sa teaser na ipinalabas ng presidential communications office, magiging co-host ng pangulo sa programa ang batikang tv journalist na si Rocky Ignacio.

Gayunman, sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na wala pang eksaktong petsa kung kalian sasahimpapawid ang tv program ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Andanar, layunin ng programa na maipabot sa masa ang mga polisiya ng administrasyong Duterte.

Mismong sa pangulo direktang maririnig at makikita ng taong bayan ang mga programa administrasyon.

Ang orihinal na konsepto ng nasabing programa ay mula sa dating TV at radio show ni Duterte noong siya’y alkalde pa lamang ng Davao City na may titulong “Gikan sa masa, para sa masa”.

Sa nasabing program ay kaagad niyang binibigyan ng sago tang mga tanong at problema ng kanyang mga nasasakupan.

TAGS: andanar, Davao City, duterte, tv show, andanar, Davao City, duterte, tv show

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.