Mabilis na kumpirmasyon ni Cayetano sa C.A inasahan na ng Malacañang

By Chona Yu May 17, 2017 - 03:50 PM

Cayetano CAWelcome sa Malacañang ang mabilis na kumpirmasyon ng Commission on Appointments kay incoming Department of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng palasyo ang pagsisikap at mga naiaambag ni Cayetano sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nito kahit noong siya ay senador pa lamang.

Pinuri naman ni Abella ang tumayong acting foreign affairs secretary na si Enrique Manalo dahil sa mga nagawa niya sa kagawaran sa loob ng maikling panahon.

Samantala, sinabi Abella na mananatili si Manalo bilang bahagi ng diplomatic corps ng bansa.

Sa oras na uupo ng foreign affairs secretary si Cayetano ay babalik bilang DFA undersecretary for policy at undersecretary for asean senior officials meeting si Manalo.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na wala silang nakikitang hadlang sa pag-upo ni Cayetano bilang bagong kalihim ng DFA.

TAGS: abella, c.a, Cayetano, DFA, abella, c.a, Cayetano, DFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.