Implementasyon ng visa-free entry policy para sa mga Pinoy, ipinagpaliban ng Taiwan

By Mariel Cruz May 17, 2017 - 02:14 PM

visa free taiwanIpinagpaliban ng Taiwanese government ang pagpapatupad ng kanilang visa-free entry policy para sa mga Filipino simula June hanggang September 2017.

Sa isang abiso, sinabi ng Taipei Economic and Cultural Office sa Pilipinas na ni-reschedule ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan ang pagpapatupad ng visa-free entry sa Setyembre para kumpletuhin ang mga administrative procedure at inter-agency coordination.

Ayon sa MOFA, iaanunsiyo nila ang eksaktong petsa ng pagpapatupad ng naturang polisiya at iba pang detalye sa buwan ng Setyembre.

Una nang inanunsiyo ng Taiwanese government ang visa-free entry policy noong nakaraang Abril bilang bahagi ng kanilang “New Southbound Policy” na layung mapabuti ang bilateral ties sa iba pang bansa sa Southeast.

Nilinaw ni Dr. Gary Song-Huann Lin, representative ng Taiwan sa Pilipinas, na ang postponement ay para lamang sa smooth operations, mas epektibong immigration procedure at seguridad ng mga pasahero.

Sa kabila ng postponement, sinabi ng MOFA na kabilang pa rin ang Pilipinas sa e-visa program ng Taiwan para sa mga Filipino na nais bumisita sa bansa sa maikling panahon.

Hindi bababa sa 170,000 na Pinoy ang bumista sa Taiwan noong 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.