17 sugatan sa nahulog na bus sa bangin sa Quezon

By Mariel Cruz May 17, 2017 - 10:37 AM

calauag quezonIsang pampasaherong bus ang nahulog sa bangin matapos mabangga sa isang AUV sa Calauag, Quezon.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Doña Aurora, Maharlika Highway kaninang umaga ng Miyerkules.

Dahil sa insidente, aabot sa labing pito ang nasugatan na agad nang isinugod sa ospital sa mga bayan ng Calauag at Lopez para malapatan ng kaukulang lunas.

Labing anim sa mga sugatan ay pasahero ng Isarog Bicol Bus habang ang isa ay pasahero naman ng nakabanggaan na Toyota Avanza AUV.

Halos mapisa na ang AUV habang ang bus naman ay nahulog sa bangin na tinatayang may lalim na 10 feet.

Ayon sa Calauag PNP, patungo sa Manila ang Isarog Bicol Bus nang bumangga ito sa naturang AUV.

Hanggang ngayong ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.