Pagbabawal sa pagpapababa sa mga pasahero sa overbooked flight, ipinanukala sa Canada
Balak ipatupad ng Canada ng ban sa sapilitang pagpapababa ng mga pasahero sa mga commercial flights.
Ito’y bilang tugon sa ilang mga ulat sa Amerika at iba pang bansa kung saan kinakaladkad palabas ng eroplano ang mga pasahero dahil sa overbooking.
Ayon kay Canadian Transportation Minister Marc Garneau, hindi nila hahayaan na mangyari ang ganitong insidente sa kanilang bansa.
Ito ay bahagi ng kanilang transportation law amendments, kung saan kabilang din ang pagpapalawig sa limit ng airline foreign ownership hanggang sa 49 percent mula sa dating 25 percent, at pagpapa-install ng mga voice at video recorders sa mga railways.
Ipinanukala rin na magkaroon ng minimum compensation para sa mga pasaherong handang ibigay ang kanilang upuan kung talagang overbooked ang flight, o kaya para sa mga mawawalan ng bagahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.