Peace talks, hindi na isusulong kung magpapatuloy ang pag-atake ng NPA sa tropa ng gobyerno

By Mariel Cruz May 17, 2017 - 08:45 AM

WaDuterte-NPAla nang isusulong na kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) kung magpapatuloy ang mga pagpatay ng New People’s Army (NPA) sa mga tropa ng gobyerno.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng patuloy na ginagawang pagpatay ng NPA sa security forces ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, walang siyang pipirmahan na anumang kasunduan kung magpapatuloy pa ito, dahil bilang siya ang commander-in-chief, kailangan niyang protektahan ang kanilang mga sundalo.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na mananatili ang kanyang alok kay CPP founder Jose Maria Sison sakaling gusto niyang umuwi sa Pilipinas.

Tinitiyak ni Pangulong Duterte ang seguridad ni Sison sa pag-uwi niya sa bansa at siniguro din na hindi niya ito aarestuhin.

Sa ngayon ay hindi pa muling sinisimulan ng gobyerno at CPP-NDF-NPA ang ikalimang round ng peace talks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.