
Nilinaw ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ituturing na colorum ang mga Transportation Network Vehicle service o TNV’s na bibiyahe ng walang Provisional Authority o PA.
Ito ay matapos makarating sa kaalaman ni Ginez na may mga kumalat na ulat na hindi na huhulihin ang mga kompanya na nag-aalok ng ride sharing services gaya ng Uber at GrabCar.
Iginiit ng opisyal na huhulihin nila ang mga TNV na walang provisional authority at sila ay pagmumultahin ng dalawandaan libong piso base sa LTFRB-LTO Joint Administrative Order 2014-01.
Ani Ginez, kailangan dala palagi ng TNV drivers ang kanilang kopya ng PA sa tuwing sila ay bibiyahe dahil ito ang hahanapin ng mga traffic enforcers kapag sila ay nasita.
Hinikayat pa niya ang TNV partners na magtanong sa GrabCar o Uber hinggil sa status ng kanilang aplikasyon ng kanilang accreditation at prangkisa.
Noong nakaraang Huwebes, inaprubahan ng ahensiya ang aplikasyon ng GrabCar at Uber bilang transport network companies./Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.