Joint exploration kasama ang China, malabong makatulong sa bansa
Duda si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na uubra ang joint exploration ng Pilipinas at ng China sa South China Sea.
Ayon kasi kay Carpio, tiyak na ipipilit pa rin ng China ang kanilang soberenya sa mga pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon.
Simple lang naman aniya ang patakaran, may sovereign rights aniya ang Pilipinas sa Reed Bank at dapat itong kilalanin.
Maari aniyang magkaroon ng joint development sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapang komersyal, ngunit hindi ito maaring pairalin sa isyu ng soberenya.
Matatandaang ipinahayag ng pangulo na bukas siya sa joint exploration kasama ang China, pero sisiyasatin niya muna kung hindi ba ito ikalulugi ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.