Pagsasampa ng kaso laban sa kaniya sa ICC, hahayaan lang ni Duterte

By Kabie Aenlle May 17, 2017 - 04:28 AM

 

duterte davaoHinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Sen. Antonio Trillanes IV na ituloy lang ang kanilang balak na i-akyat ang kaso laban sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa pangulo, malaya ang mga mambabatas na gawin ang kanilang gusto dahil demokratikong bansa naman ang Pilipinas.

Matatandaang matapos mabasura sa Kamara ang impeachment case laban kay Duterte, ikinu-konsidera na ni Alejano na iakyat ito sa ICC.

Banta naman ni Trillanes, maraming iba pang paraan para mapanagot si Duterte sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao ng umiiral na war on drugs ng pamahalaan.

Batid naman ng pangulo na sa kaniya isinisisi ang mga umano’y extrajudicial killings na naganap sa kasagsagan ng kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.

Dahil dito, itinanong ng pangulo kung mayroon nga bang drug war kung saan walang nasasawi?

Giit niya, hindi dapat sisihin ang administrasyon sa mga pagkamatay ng libu-libong katao sa drug war, at na marami nang nag-imbestiga laban sa kaniya pero wala namang nakapatpatunay na siya ay may kasalanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.