Duterte, handang makasama ang China sa exploration sa South China Sea

By Kabie Aenlle May 17, 2017 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na makatuwang ang China sa exploration sa South China Sea, kahit na kaagaw ito ng Pilipinas sa mga teritoryo sa nasabing rehiyon.

Taliwas ang sinabi ng pangulo sa sinabi ni Foreign Secretary-designate Alan Peter Cayetano na hindi ito ang direksyong dapat tahakin ng Pilipinas para paresolba ang mga isyu sa South China Sea.

Gayunman, sinabi naman ni Duterte na wala siyang balak i-pressure ang China tungkol sa naging desisyon ng arbitral tribunal na walang basehan ang pag-angkin nito sa halos kabuuan ng South China Sea.

Ayon pa sa pangulo, handa siyang gawin ito kung may mapapala naman ang bansa kahit hindi nagpapakahirap, pero sisilipin pa niya din ito para tiyaking hindi naman malulugi ang Pilipinas.

Kailangan aniyang matiyak niya munang magiging patas para sa magkabilang panig ang hakbang na ito.

Samantala, nakatakda naman nang maganap ang bilateral talks ng Pilipinas at China tungkol sa mga isyu sa South China Sea sa susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.