Mga baril nasabat ng Customs sa package ng water heaters

May 17, 2017 - 04:26 AM

 

gunsArestado ang isang lalaki dahil sa pagtatanong tungkol sa dalawang package na naglalaman lang dapat ng mga electric water heaters, ngunit may kasama din palang nakatagong mga handguns.

Kinasuhan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Act si Alfonso Sanchez na residente ng Caloocan City.

Inaresto si Sanchez dahil wala siyang maipresentang permit mula sa Philippine National Police para makapag-transport ng mga armas, ngunit nakalaya din siya matapos mag-lagak ng piyansa.

Ayon kay Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) x-ray inspection project chief Jaybee Cometa, na-detect nila ang isang bagong cal. .45 at 9mm sa loob ng outbound packages na nakalagak sa Thomas Transportation warehouse noong May 10.

Aniya pa, ang mga nasabing package ay naka-consign sa isang Christopher Yeung sa Hong Kong, at isang Lau sa Ho Chi Minh sa Vietnam.

Iginiit naman ni Sanchez na napag-utusan lang siya na magtanong tungkol sa mga naturang packages, at itinanggi na may alam siya tungkol sa mga armas.

Gayunman, kinasuhan pa rin siya ng gun smuggling sa Pasay City Prosecutor’s Office.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.