300 drug personalities na ang napatay sa QC sa ilalim ng Duterte admin

By Jay Dones May 17, 2017 - 04:27 AM

 

dead qc1Umaabot na sa 300 ang bilang ng mga napapatay na umano’y drug suspects sa lungsod ng Quezon simula nang maupo sa puwesto ang Duterte administration.

Ayon sa monitong ng Inquirer, pinakahuling napatay sa lungsod ag mga biktimang sina Bernabe Sabangan 24-anyos at Arnold Vitales, 21, pawang walang trabaho at residente ng Tagumpay Village sa Bgy. Bagong Silangan.

Ang dalawa ay kapwa nasa watchlist ng mga otoridad at dati nang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Ngunit sa kabila nito, ayon sa pulisya ay nagpatuloy pa rin sa iligal na gawain ang mga suspek.

Sa isang operasyon ng mga tauhan sa bahay ni Sabangan, napatay ang dalawa ng mga tauhan ng PDEA at Batasan police matapos umanong manlaban sa mga otoridad.

Nitong mga nakalipas na raw, ilan pang drug personalities ang napatay sa Bgy. Bagbag, Novaliches.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.