Higit 2,300 pamilya apektado ng patuloy na pag-ulan sa Maguindanao

By Jay Dones May 17, 2017 - 04:26 AM

 

datu salibo maguindanaoUmaabot sa higit 2,300 pamilya ang apektado sa pag-apaw ng Butalo river sa lalawigan ng Maguindanao dahil sa patuloy na nararansang pag-ulan sa lugar.

Partikular na naapektuhan ang mga residente ang mga barangay ng Andavit, Animao, Butilen, Ganoy, Pindetin, Sambulawan at Tee sa bayan ng Datu Salibo.

Gayunman, tumatanggi ang mga residente na iwan ang kanilang mga tahanan sa pangambang mabiktima ng mga magnanakaw ang kanilang mga ari-arian at maging mga alagang hayop.

Simula pa noong Sabado ay nakaranas na ng tuluy-tuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng Maguindanao resulta ng Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.