Radyo Inquirer, wagi bilang “Best AM Radio Station in Metro Manila” sa 25th KBP Golden Dove Awards

 

Nagwagi ang DZIQ Radyo Inquirer 990 sa katatapos lamang na KBP Golden Dove Awards.

Nakuha ng Radyo Inquirer ang award na “Best AM Radio Station in Metro Manila.”

Pormal na tinanggap ng news director ng himpilan na si Arlyn dela Cruz ang nasabing award sa seremonyang ginawa sa Star Theater sa Pasay City.

Kuha ni Elaine Icasiano

Taos puso ang pasasalamat ni Dela Cruz at ng mga bumubuo ng Radyo Inquirer 990 sa KBP Golden Dove Awards at higit sa lahat, sa mga patuloy na tumatangkilik sa himpilan ng balanseng pagbabalita, at walang takot na pamamahayag.

Pitong taon pa lamang na sumasahimpapawid ang Radyo Inquirer.

Read more...