Pilipinas mag aangkat ng bigas

By Chona Yu May 16, 2017 - 09:44 PM

NFA riceBukas na si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-angkat ng imported na bigas ang Pilipinas.

Ayon kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco, ito ay sa pamamagitan ng government to private sector sa halip na government to government.

Gayunman, hindi pa matukoy ni Evasco kung ilang metric tons ang kinakailangan na angkatin dahil magpupulong pa sa Huwebes ang National Food Security Committee.

Kasabay nito, kinumpirma ni Evasco na pang-walong araw lang ang buffer stock o reserbang bigas ngayon ng National Food Authority.

Ayon kay Evasco, pinatitiyak ng Legislative-Executive Development Advisory Council sa NFA na panatilihin sasapat para sa 15 araw ang reserba ng NFA para sa mga regular na araw habang 30 days buffer stock naman kapag may panahon ng kalamidad.

Batay sa pag-aaral, ang higit isang daang milyong populasyon sa Pilipinas ay nakaka-ubos ng 32,720 metric tons ng bigas kada araw.

Matatandaang una nang sinibak ng pangulo Cabinet Undersecretary Maia Halmen Reina Valdez dahil sa pagsusulong nito na ituloy pa rin ang importasyon ng bigas.

TAGS: Bigas, import, Leoncio Evasco, nfa, rice, Rodrigo Duterte, Bigas, import, Leoncio Evasco, nfa, rice, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.