Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema na bubusisiin ang mga ipinapalabas na temporary restraining order ng mga korte laban sa mga proyekto ng gobyerno.
Hindi maikakaila ayon sa pangulo na korte ang nagiging takbuhan ng mga taluhang kompanya sa bidding process.
Hindi aniya hustisya ang habol ng mga talunang kompanya kundi ang maantala lamang ang mga proyekto.
Banta ng pangulo sa hudikatura, hindi siya mag aatubili na makipag banggan sa kanilang hanay sa pangambang matatapos ang kanyang termino nang walang nagagawang proyekto dahil sa mga inilalabas na TRO.
Sinabi pa ng pangulo na tungkulin ng hudikatura na mag interpret ng batas at hindi mag dikta kung anong proyekto ang nararapat na gawin ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.