Dalawandaang miyembro ng Philippine Coast Guard ang kasama sa pormal na pagsisimula ng maritime pollution exercises sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Japan sa Bali, Indonesia.
Ginamit ng PCG ang mga search and rescue vessels na BRP Pampanga, BRP Nueva Vizcaya, Multi role and Response vessel Brp Tubattaha at Tugboat Habagat.
Habang tatlong malalaking barko at 500 contingent naman ang lalahok mula sa Indonesia para sa actual na pagsasanay.
Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, tututok naman sa usapin ng technical experts ang Japan Coast Guard hinggil sa oil spill at search and rescue para masanay ang interopability ng mga kalahok, sakaling mangailangan ng responde sa isang malawakang oil spill, halimbawa na sa karagatan na sakop na ng Pilipinas at sa Indonesia.
Tumatayo namang observers ang Vietnam Coast Guard, Singapore at Malaysian Port Authorrities at US Coast Guard.
Malaki aniya ang matutulong ng pagsasanay na ito, lalo’t pinasinayaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang biyahe mula sa Davao patungong Indonesia bilang bahagi ng ASEAN Economic Integration.