Sa Balikbayan box issue: “Hayaan natin muna ang Customs”-PNoy

August 24, 2015 - 05:25 PM

 

customs
Inquirer file photo

Dapat hayaan muna ng publiko na gawin ng Bureau of Customs ang kanilang trabaho.

Reaksyon ito ng Pangulo sa mga batikos na inaabot ng BOC dahil sa planong pagbubukas ng mga Balikbayan boxes na dadaan sa ahensya.

Gayunman, nilinaw ni Pangulong Aquino na kanyang titiyakin na hindi aabusuhin ng mga kawani ng BOC ang kanilang tungkulin sa oras na ipatupad ang direktiba.

“Tulungan natin ‘yung Customs na gawin ‘yung kanilang trabaho at dapat siguraduhin ng gobyerno na wala namang karapatan ng taumbayan na mapipinsala dito,” pakiusap ng Pangulo sa publiko nang makapanayam habang bumibisita kanina sa lalawigan ng Cebu.

Kanya aniyang pupulungin ang mga opisyal ng Department of Finance at Bureau of Customs upang maplantsa kung paano gagawin ang hakbang na ito.

Una nang nilinaw aniya sa kanya ni Finance Secretary Cesar Purisima at ni Customs Commissioner Bert Lina na layunin ng mas pinaigting na pag-iinspeksyon sa mga balikbayan box ay ang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan kontra smuggling.

Gagamit aniya ng mga x-ray machine ang BOC sa pag-iinspekyon sa mga balikbayan box at tanging ang mga kahina-hinala lamang na bagahe ang bubuksan.

Ginagamit na aniya kasi ng mga sindikato ang mga balikbayan box upang makapagpapasok ng mga iligal na kargamento tulad ng mga baril, bala at maging mga pira-pirasong piyesa ng kotse at motorsiklo.

Gayunman, umani ng matinding batikos mula sa mga mamamayan ang hakbang na ito ng ahensya./ Jay Dones

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub