Abaya, nilinaw na ang kumpanyang CB&T ang inimbita sa bidding ng MRT 3 maintenance provider

By Mariel Cruz May 16, 2017 - 01:49 PM

SEPTEMBER 1, 2014 Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya t during the investigation of the MRT 3 incident including the re-examination of the current public and mass transport system in the country for the purpose of planning for the next half century. (Photo: Joseph Vidal/Prib)
 (Photo: Joseph Vidal/Prib)

Iginiit ni dating Department of Transportation and Communication Sec. Joseph Emilion Abaya na ang kumpanyang CB&T ang inimbitahan nila para sa bidding ng MRT 3 maintenance service provider.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Abaya na mayroon joint venture, at ito ay ang PH Trams-CB&T.

Pero nilinaw ni Abaya na ang CB&T na dati nang maintenance provider ng LRT 1 at LRT2 ang kanilang inimbitahan sa bidding.

Sinuri aniya nila ang financial at track record ng CB&T at ito ang naging basehan kaya pumasa ang naturang joint venture.

“Masyadong nafofocus sa PH Trams pero ang katotohanan niyan may joint venture ho yan. Yung CB&T and PH Trams. Ang dapat tinanong talaga, kasi ang inimbitahan po namin sa bidding po na iyon ay CB&T. Yan po ay dati nang maintenance provider ng LRT at LRT 2. Yung kanyang financial record ang in-evaluate, ang kanyang track record ang in-evaluate at kaya po pumasa yung joint venture na yun,” ani Abaya.

Sinabi din ni Abaya na desisyon ng CB&T ang maging partner ng PH Trams.

Wala na aniya sa karapatan ng DOTC ang magdikta kung sino ang magiging partner ng CB&T.

“Kung dinisisyunan niyang makipag-partner sa PH Trams, wala na po sa amin yun dahil kung papakialamanan po namin yung joint venture na yun na ipagbawal o mamili, wala na po sa karapatan ng DOTC na idikta kung sino makipag-partner sa CB&T,” dagdag pa ni Abaya.

Nilinaw din ni Abaya na ang tunay na pumasa sa bidding ay ang CB&T na batikang maintenance provider na ng MRT at LRT.

Matatandaang unang naging maintenance provider ng MRT 3 ang kumpanyang Sumitomo simula 2000 hanggang 2010.

Matapos ang Sumitomo, inaward ng gobyerno ang isang interim maintenance contract sa PH Trams-CB&T.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.