Bongbong Marcos, hiniling sa Korte Suprema na madaliin ang paglilitis sa kanyang election protest

By Mariel Cruz May 16, 2017 - 11:51 AM

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Nanawagan si dating Sen. Bongbong Marcos sa Korte Suprema na umuupong Presidential Electoral Tribunal na madaliin ang paglilitis sa kanyang election protest laban kay Vice Pres. Leni Robredo.

Sa pitong pahinang Urgent Ex-Parte Motion, hiniling ni Marcos sa PET na magtalaga ng hindi bababa sa tatlong hearing officers na tutulong sa Tribunal sa preliminary conference.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. George Erwin Garcia, sinabi ni Marcos na ang pagtatalaga ng tatlong hearing commissioners ay magbibigay daan para mas matugunan ang kanyang electoral protest lalo pa’t tatlong reklamo ang nakapaloob sa petisyon ng dating senador.

Ang unang bahagi ng petisyon ni Marcos ay ukol sa Automated Election System.

Ikalawang bahagi ng naturang petisyon ay binubuo ng tradisyunal na mga hakbang ng pandaraya tulad ng vote buying, pre-shading, intimidation at failure of elections.

Partikular na hiniling ni Marcos ang muling pagbubukas sa lahat ng ballot boxes sa 36,465 clustered precincts sa mahigit dalawampung lalawigan.

Bukod dito, hiniling din ng dating senador na ipawalang bisa ang resulta ng 2016 elections sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao kung saan ang mga balota ay pre-shade na umano.

Maging ang recount sa dalawampu’t dalawang probinsya at limang lungsod ay hiniling din ni Marcos.

Ang ikatlo at huling bahagi naman ng protesta ay nakasentro sa ‘unauthorized introduction’ ng Smartmatic sa bagong hash code o bagong script sa Transparency Server at maging ang idinulot na epekto ng hindi otorisadong pagpapalit.

Itinakda na ng PET ang preliminary conference sa naturang petisyon ni Marcos sa June 21.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.