Apat na kasunduan, nilagdaan ng Pilipinas at China

By Chona Yu May 16, 2017 - 11:24 AM

DUTERTE XI JINPING
AP PHOTO/POOL

Masayang ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging mabunga ang kanyang pagbisita sa China kaugnay sa ‘One Belt, One Road forum’.

Ito ay dahil na rin sa bilateral at restricted meeting nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Apat na kasunduan ang naselyuhan ng dalawang lider.

Isa na rito ang Economic and Technical Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China na nilagdaan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III at Minister of Commerce Zhong Shan.

Ang kasunduang ito ay magsisilbing basehan ng China sa grant na ibibigay nito sa Pilipinas na nagkakahalaga ng 500 million yuan para sa feasibility studies ng ilang pangunahing proyekto na gagawin sa ilalim ng Duterte administration kabilang na dito ang itatayong drug abuse treatment at rehabilitation center, tulay sa Pasig river at iba pang proyektong napagkasunduan ng dalawang bansa.

Nilagdaan din ang kasunduan sa pagitan nina National Economic Development Authority at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at People’s Republic of China Minister of Commerce Zhong Shan para sa isang memorandum of understanding on cooperation in human resource development.

Isang memorandum of understanding on energy cooperation naman ang nilagdaan sa pagitan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at National Energy Administration of the People’s Republic of China Director Nur Bekri.

Habang nilagdaan naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar at ng State Council Information Office ng China para magkaroon ng news and information exchange, training at iba pa sa pagitan ng dalawang bansa.

Layunin ng MOU sa pagitan ng PCO at information office ng China ang mapahusay ang kakayahan ng dalawang bansa sa larangan ng international communication at publishing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.