Pagpapalawak ng mga kalsada, target ng DPWH

Commonwealth Ave.
FILE PHOTO

Tinututukan ngayon ng Department of Public Works and Highways ang pagpapalawak ng mga kalsada upang masolusyunan ang decongestion na nararanasan ng mga motoristang gumagamit ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon kay DPWH NCR Director Melvin Navarro, magkakaroon ng karagdagang tatlong lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, partikular sa Zuzuarueggi St. hanggang sa Vila Beatriz St.

Tinatayang aabot sa 41 milyong pisong halaga ang proyekto, kasama na rin ang pagpapagawa ng sidewalk para sa mga pedestrian.

Sa kasalukuyan, ayon kay Navarro ay nasa 90 porsyento na kumpleto na ang naturang proyekto.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa iba pang ahensya ng pamahalaan, upang mailipat sa Bulacan, ang mga informal settlers na naninirahan sa naturang kalsada.

Read more...