AFP, itinanggi ang paniniktik umano sa mag-asawang Tiamzon

By Kabie Aenlle May 16, 2017 - 07:52 AM

Inquirer Photo | Kristine Mangunay
Inquirer Photo | Kristine Mangunay

Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang mga ulat na sinusundan o tinitiktikan umano nila ang mag-asawang komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ito ang iginiit ni AFP Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, matapos sabihin ng National Democratic Front of the Philippines na may mga hindi kilalang lalaki na sumusunod sa mag-asawa.

Nagsimula umano ang pagsunod sa mag-asawa matapos nilang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at magsasaka ng Lapanday na tumungo sa Mendiola.

Bagaman hindi naman direktang inakusahan ng NDFP ang AFP, nilinaw ni Arevalo na committed sila sa peace negotiations ng pamahalaan at ng mga komunista.

Ginagawa aniya nila ang lahat para maging matagumpay ang peace talks kaya hindi nila gagawin ang ganoong bagay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.