Pres. Duterte balik-Davao na, mga proyektong naiuwi para sa Pilipinas ibinida

By Jay Dones May 16, 2017 - 04:58 AM

 

duterte-3-620x413Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang byahe mula sa kanyang pagbisita sa Cambodia, Hong Kong at Beijing, China.

Dumeretso ang pangulo sa Davao City matapos ang kanyang byahe.

Sa kanyang pagdating isiniwalat ng pangulo ang mga proyektong nakalaan para sa mga Pilipino na ipinangako ng China at iba pang bansa.

Ipinakita aniya ng China ang pagiging mapagbigay ng mga ito sa pamamagitan ng mga proyektong ibibigay sa bansa.

Sa China, sinabi ng pangulo na may nakalaan nang 100-milyong dolyar para sa Pilipinas at may susunod pang 500-milyon.

Sa ilalim ng mga naturang kasunduan, magpapatuloy ang paghahanap ng paraan ng Pilipinas at mga bansang China, Hong Kong at Cambodia upang mapaigi ang kooperasyon sa mga naturang bansa.

Kasabay nito, nagbabala ang pangulo sa mga korte na iwasan ang pagpapalabas ng mga temporary restraiing order sa mga proyekto ng gobyerno.

Dahil aniya sa walang habas na TRO, tumatagal ang proseso ng pagpapagawa ng mga proyeko na nakalaan sana sa mga Pilipino.

Dapat aniyang gawan ng paraan ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng TRO ng mga korte at kung hindi, ay gagawa siya ng legal na paraan upang harangin ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.