Trump at Macron, nakatakdang magkita

By Kabie Aenlle May 16, 2017 - 04:15 AM

 

trump macronNakatakda na ang magiging kauna-unahang pagkikita at pagpupulong nina US President Donald Trump at bagong halal na French President Emmanuel Macron sa May 25.

Ayon sa mga senior officials sa Amerika, magkikita ang dalawa sa Brussels upang pagkumparahin ang kanilang mga perspektibo.

Naniniwala ang mga opisyal na maraming pagkakatulad sina Trump at Macron, at anila, naging maayos rin ang takbo ng pag-uusap ng dalawa sa telepono kamakailan.

Bumilib din anila si Trump kay Macron, na tulad niya ay nanalo sa kabila ng pagiging baguhan sa presidential election.

Pinabulaanan naman ng White House ang mga ulat na ang sinuportahan ni Trump sa French presidential election ay si Marine Le Pen dahil lang sa isang tweet.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.