Matapos ang tatlong linggong sunud-sunod na rollback, magpapatupad naman ngayon ng dagdag sa presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang gasolina.
Simula alas-6:00 ng umaga, magdadagdag ng 30 centavos sa halaga ng kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Jetti, Petron, SeaOil, PTT, Eastern, Phoenix, at Shell.
Gayundin ang halaga ng itinaas ng Flying V sa kanilang gasolina na nauna nang magpatupad ng price increase kaninang hatinggabi.
Muling tumaas ang presyo ng gasolina dahil umaayos na muli ang supply ng langis sa pandaigdigang merkado mula sa sobra-sobra nitong supply noong mga nakaraang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.