11 miyembro ng Maute group arestado sa Lanao Del Sur

By Jay Dones May 16, 2017 - 04:20 AM

 

Maute MarinesLabing-isang mga hinihinalang miyembro ng Maute terror group ang naaresto ng militar sa raid na isinagawa sa bayan ng Marogong, Lanao Del Sur.

Tatlong bahay ang pinasok ng mga sundalo ng 1st Infantry Division ng Army sa Bgy. Romagondong na pinagtataguan ng mga terorista.

Dahil sa biglaang raid, hindi na nagawa pang pumalag ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang walong high powered rifle, mga bala at mga bomba.

Kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation ang mga naarestong suspek.

Sangkot umano sa iba’t-ibang kaso ng extortion activities at mga serye ng pambobomba sa iba’t ibang lugar ang mga naaresto Maute group members.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.