Orbos, todo-suporta kay Uson

By Jay Dones May 16, 2017 - 04:16 AM

 

orbos mmdaNakiisa na rin si MMDA Acting Chairman Tim Orbos sa grupo ng mga dumidepensa sa kontrobersyal na bagong talagang assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office na si Mocha Uson.

Sa kanyang Facebook page, ibinulalas ni Orbos ang kanyang suporta sa dating sexy singer at online sex guru matapos namang purihin ni Uson si Orbos dahil sa mga ginagawa nito para sa mamamayan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Orbos na kanyang ikinalulungkot ang ipinapakitang ‘holier-than-thou’ attitude ng mga bumabanat kay Uson.

Giit nito, ang pagbabago ay hindi kumikilala ng kasarian o maging nakaraan at sa halip, tinatanggap nito ang alinmang positibong kontribyusyon mula sa sinuman.

Sinabi pa ni Orbos na karapat-dapat lamang si Uson sa kanyang puwesto dahil sa apat na milyong netizens ang sumusunod dito sa social media na di hamak na mas marami kumpara sa mga bumabatikos dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.