Diskusyon sa isyu ng South China Sea, magiging mapayapa ayon kay Duterte

By Kabie Aenlle May 16, 2017 - 04:26 AM

 

xi-jinping-duterte-1024x768Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Dutere kay Chinese President Xi Jinping na magiging mapayapa ang pag-uusap tungkol sa isyu sa mga teritoryo sa South China Sea.

Isinagawa nina Duterte at Xi ang kanilang bilateral talks sa Great Hall of People matapos ang dalawang araw na Belt and Road Forum sa Beijing.

Ayon sa pangulo, sisimulan na ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa South China Sea sa May 19.

Nalulugod naman si Duterte na magkakaroon ng bilateral consultation ang Pilipinas at China, dahil naniniwala siyang mas makabubuting panatilihing bukas ang komunikasyon sa magkabilang panig.

Aniya ito ay isang hakbang patungo sa mapayapang pag-resolba sa mga isyu, at umaasa siyang magiging matagumpay ito.

Nasasabik na rin si Duterte na mapag-usapan ang mga bagay aniya na magpapatibay at magpapalawig pa sa ugnayan ng China at Pilipinas.

Samantala, naniniwala naman si Xi na umigi na ang relasyon ng dalawang bansa mula noong huling pagbisita ni Duterte sa China noong Oktubre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.