Bohol, ‘cleared’ na sa Abu Sayyaf-AFP

By Jay Dones May 16, 2017 - 04:19 AM

 

Abu-Sayyaf-Bohol-620x630Wala nang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Bohol.

Ito ang deklarasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang mapatay sa magkasunod na pursuit operations ang dalawa pang Abu Sayyaf na tinutugis ng mga otoridad sa lalawigan simula pa noong nakaraang buwan.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, napatay sa unang engkwentro ang suspek na nakilala sa pangalang Abu Asis.

Si Asis ay napatay sa Bgy. Lawis, Pangangan island sa bayan ng Calape habang nakatakas pa ang kasamahan nito na nakilala sa pangalang Abu Ubayda.

Gayunman, makalipas ang ilang minutong habulan, napatay rin si Ubayda may isandaang metro mula sa unang encounter site.

Nasukol umano ang mga bandido makaraang i-hostage nito ang isang mag-lolo na hinihingian nito ng pagkain sa Bgy. Kahayag.

Matatandaang nasa 11 Abu Sayyaf ang pumasok umano sa lalawigan ng Bohol noong Abril upang dumukot ng ilang mga turista sa lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.