Imbentaryo ng bigas ng NFA, kulang na

By Alvin Barcelona May 16, 2017 - 04:24 AM

 

NFA riceKinumpirma ng National Food Authority (NFA) na kulang na ang imbentaryo nila ng Bigas.

Katunayan sinabi ni NFA Spokesperson Marietta J. Ablaza, kapos na sa 15 araw ang stock nila ng bigas.

Ang NFA ay obligadong tiyakin na palagian itong mayroon buffer stock na pang 15 araw o 30 araw tuwing lean months o sa pagitan ng Hulyo hanggang Agosto.

Dahil dito patuloy na itinutulak ng NFA ang importasyon ng 250,000 tonelada ng bigas sa pamamagitan ng government-to-government arangement para mapunan ang kakulangan.

Babala pa ng NFA lalo pa aniyang ninipis ang suplay nila ng bigas pagpasok ng tag-ulan oras na mangailangan para sa mga kalamidad.

Matatandaang noong nakaraang taon pa inirekomenda ng NFA ang pag-angkat ng bigas pero hindi pa rin inaaprubahan ng NFA Council hanggang ngayon.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng NFA ng bigas sa lokal na mga magsasaka pero hindi nila magawa dahil sa mataas na presyo nito.

Hanggang noong Marso, 21 porsyento pa lamang o mahigit na 134 na libong bag mula sa first quarter target na mahigit na apat na milyong bag ng unmilled rice ang kanilang nabibili.

Iginiit ni Abalaza na mahihirapan silang panatilhing ang matatag ang presyo ng bigas kung hindi sila papayagang mag-import.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.