Kapartido ni dating pangulong Noynoy Aquino, ipapa-subpoena; gigisahin ukol sa MRT deals

By Jan Escosio May 15, 2017 - 09:40 PM

MRTPadadalhan na ng subpoena ng Senate Committee on Public Services ang isang Marlo Dela Cruz para magbigay linaw sa pagkakasangkot nito sa ilang kontrata sa MRT.

Ayon kay Poe ipinagtataka niya kung bakit sa kabila lang ng mahigit P600,000 na kapital ay nakuha nito ang maintenance contract sa MRT sa pamamagitan ng kompaniyang PH Trams.

Dagdag pa ni Poe naging authorized representative din ng sumunod na MRT contractor, ang Global APT si Dela Cruz.

Ngayon ay nadidikit din si Dela Cruz sa kasalukuyang maintenance provider ang BURI o Busan Universal Rail Inc.

Samantala, sinabi ni Poe na malaking rebelasyon sa pagdinig ang pag amin ni dating Transportation Sec. Joseph Abaya na basta na lang niyang pinirmahan ang kontrata ng PH Trams pag upo niya sa katuwiran na inakala niyang maayos na ang lahat bago niya pinalitan si dating Sec. Mar Roxas.

Ngunit paglilinaw ni Poe na wala pa siyang balak na ipatawag sa susunod na pagdinig si Roxas kahit na paniniwala ng senadora ay sa termino ng naging standard bearer ng LP noong 2016 presidential election nagsimula ang lahat ng mga problema sa operasyon ng MRT.

 

TAGS: grace poe, Joseph Abaya, Mar Roxas, Marlo Dela Cruz, MRT, grace poe, Joseph Abaya, Mar Roxas, Marlo Dela Cruz, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.