PDAF scandal issue inililigaw ni Aguirre ayon kay De Lima

de limaSinabi ni detained Sen. Leila De Lima na may mga tila paglilihis sa mga pahayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Paglilinaw ni De Lima hindi lang tatlong senador, sina dating Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile ang kanilang kinasuhan ukol sa iskandalo sa diumanoy maling paggamit ng pork barrel.

Giit ni De Lima hindi lang isang beses sila nagsampa ng kaso at aniya sa sumunod at ikatlo nilang pagsasampa ay naisama pa nila sa mga kinasuhan sina Sen. Gringo Honasan, dating Congressman at ngayon ay Sen Joel Villanueva at 14 pang kongresista.

Banggit ng senadora ang mga kaso ng mga ito ay kasalukuyang dinidinig sa Sandiganbayan.

Sa kanyang pahayag mula sa kulungan tinawag din ni De Lima na ‘polluted source’ si Janet Napoles, ang itinuturong utak ng pork barrel scam.

Aniya lumalabas na handang ituro ni Napoles ang sinuman basta makaiwas lang siya sa kulungan.

Pinagduduhan din ng senadora kung kaya ni Napoles na magpalabas ng mga dokumento para ibunyag pa ang ibang kasangkot sa iskandalo.

Pagbubunyag ni de lima nilapitan na siya noon ni Napoles para sa sinasabi nitong listahan pa ng iba pang sangkot ngunit wala itong naipakitang mga dokumentong susuporta sa kanyang magiging alegasyon.

Read more...