Ayon kay Lt. Col. Joel Malig ng 47th Infantry Battalion, kinilala lamang sa alyas “Asis” ang napatay na hinihinalang bandido.
Ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang isa pang suspek na nakilala lang sa alyas “Ubayda”.
Una nang naglunsad ng pursuit operations laban sa mga bandido matapos bihagin ang isang matandang lalaki na nakilalang si Baludo Tuloy ay ang kanyang apo.
Ayon sa mga residente, nakasakay sa motorsiklo ang dalawang hinihinalang Abu Sayyaf member na nakasuot ng itim na damit at may dalang baril.
Pinaniniwalaang kabilang ang dalawang bandido sa 11-man Abu Sayyaf Group na umatake sa bayan ng Inabanga noong Abril para magsagawa ng kidnapping plots.