Hinihinalang Abu Sayyaf, napatay ng militar sa Calape, Bohol

By Mariel Cruz May 15, 2017 - 03:41 PM

CALAPE BOHOLNapatay ang isa sa dalawang miyembro ng Abu Sayyaf na bumihag sa dalawang indibiduwal sa Barangay Kahayag sa Calape, Bohol.

Ayon kay Lt. Col. Joel Malig ng 47th Infantry Battalion, kinilala lamang sa alyas “Asis” ang napatay na hinihinalang bandido.

Ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang isa pang suspek na nakilala lang sa alyas “Ubayda”.

Una nang naglunsad ng pursuit operations laban sa mga bandido matapos bihagin ang isang matandang lalaki na nakilalang si Baludo Tuloy ay ang kanyang apo.

Ayon sa mga residente, nakasakay sa motorsiklo ang dalawang hinihinalang Abu Sayyaf member na nakasuot ng itim na damit at may dalang baril.

Pinaniniwalaang kabilang ang dalawang bandido sa 11-man Abu Sayyaf Group na umatake sa bayan ng Inabanga noong Abril para magsagawa ng kidnapping plots.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.