3 bangka na iligal na nagsasagawa ng salvaging operations, kinumpiska ng PCG
Binatak ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang tatlong bangka matapos mahuling iligal na nagsasagawa ng salvage operation sa karagatang sakop ng Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan.
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo,
namataan ng PCG Maritime Patrol ang mga bangka na rumuronda sa nasabing lugar habang hila-hila ang mga drum na ginagamit na floater o pampalutang ng scrap metal na nakukuha mula sa mga lumubog na barko.
Nakipag-ugnayan ang maritime patrol team sa Coast Guard Sub-Station Lamao para mahanap ang mga bangka sa barangay at tuluyang ma-impound
Sinabi ni Balilo na ilegal na nangangahoy ng scrap metal ang mga tauhan ng bangka mula sa mga lumubog na watercraft o barko sa Bataan.
Nabatid na hindi accredited salvors ang mga bangka at walang salvage permit to operate kaya ilegal ang kanilang gawain.
Limang tao ang naaresto rito at nakatakdang pagmultahin.
Narekober din sa kanila ang isang apat na toneladang bigat na metal pipeline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.