Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, ibinasura na

By Isa Avendaño-Umali May 15, 2017 - 02:11 PM

IMPEACH DUTERTE
Kuha ni Isa Umali

Ibinasura na ng House Committee on Justice ang inihaing impeachment complaint ni Magdala Partylist Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa komite na pinamumunuan ni Rep. Reynaldo Umali, ‘insufficient in substance’ ang naturang reklamo ni Alejano.

Apatnapu’t dalawa miyembro ng Kamara ang bumoto pabor sa pagbasura sa impeachment complaint, habang wala naman tumutol o nag-abstain.

Pero sa kabila nito, gagawa pa rin ng report ang komite na iaakyat naman sa plenaryo.

Dito idedetermina kung tuluyan na ngang ibabasura ang reklamo.

Sinabi naman ni Alejano na hindi siya nabigyan ng pagkakataon naipaliwanag ang kanyang mga punto kung bakit siya naghain ng impeachment complaint laban sa pangulo.

Una nang inihayag ni Alejano na inaasahan na niya na agad papatayin ng Kamara ang kanyang reklamo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.