Gobyerno, hindi mababaon sa utang sa ‘Build Build Build’ program
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi mababaon sa utang ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng isinusulong na Build Build Build program ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Trdae Sec. Ramon Lopez, aabot sa walong trilyong pisong budget ang inilaan sa naturang programa.
Sabi ni Lopez, kikita pa nga kung tutuusin ang gobyerno sa halip na malubog sa pagkakautang.
Paliwanag ni Lopez, bubunuin ng pamahalaan ang pagpapagawa ng iba’t- ibang infrastructure development sa bansa.
Bagamat kukunin ang ibang gastusin sa pamamagitan ng loan na kung saan, 80 percent ay manggagaling sa local at 20 percent ay mula sa foreign debt, tiyak aniyang mababawi ito ng sobra pa, pabor sa pamahalaan.
Sa sandaling matapos na aniya kasi ang proyektong imprastraktura, inihayag ni Lopez na maaari nila itong ibenta sa pribadong sektor ng may sapat ng interes na kasing kahulugan ng kikita ng gobyerno mula sa mapagbebentahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.