AFP Chief of Staff Hernando Iriberri, pinangunahan ang pagdiriwang ng kauna-unahang AFP Week

Sa kauna-unahang paggunita ng Armed Forces of the Filipino People Week ngayong araw, nanawagan si AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri sa lahat ng mga sundalo na pagtibayin ang kanilang commitment sa values ng hukbo na “honor, service at patriotism.”
Sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony kanina sa Kampo Aguinaldo, sinabi din ni Iriberri sa mga sundalo na huwag kalimutan ang pagsasakripisyo ng ilan sa kanilang mga kasamahan.
Noon lang nakaraang buwan, inaprubahan bilang batas ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 106-64 na nagdedeklara bilang “Armed Forces of the Filipino People Week” ang huling linggo ng Agosto.
Layon nito na ganap na mabigyan ng pagkilala ang mga nagawa at ginagawa ng mga sundalo.
Iginiit ni Iriberri na binigyan pa ng bagong batas ng dahilan ang mga sundalo para tuparin nila ang kanilang mga tungkulin./ Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.