Duterte, tinutupad ang mga pangako noong kampanya-Abella

 

Tinitiyak ng Palasyo ng Malacañang na kayang tuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naunang mga pangako noong panahon ng kampanya.

Ang pahayag ng Malacañang ay bilang tugon sa resulta ng isang survey na nagsasabing nasa 47 porsiyento ng mga Pinoy ang nag-aalinlangan kung matutupad ng Pangulo ang kanyang mga naunang pangako sa taumbayan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nananatiling nakatutok ang pangulo at ang kanyang gobyerno sa pagsugpo ng droga, kriminalidad at korupsyon.

Ang mga ito aniya ay ang mga pangakong binitiwan ni Duterte noong panahon ng kampanya at ito ang kanyang patuloy na inaaksyunan.

Bilang katunayan ramdam na ngayon ng mga Pilipino ang epekto ng pagpupursige ng Pangulo, giit ni Abella.

Read more...