Mall sa Cagayan De Oro, nasunog

Kuha ni Leo Nadalo
Kuha ni Lea Nodalo

Sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng Centrio Mall sa Cagayan De Oro bandang 8:30 ngayong gabi.

Ayon kay Lea Nodalo na nakasaksi, sila ay nasa unang palapag nang malaman nila na may sunog matapos makarinig ng pagbasag ng salamin kung saan nakalagay ang fire extinguisher.

Aniya nakita na lang niya na may umuusok na.

Agad na nagtakbuhan ang mga tao palabas ng mall.

Dagdag pa ni Nodalo, may narinig siyang mga pagputok mula sa lugar ng sunog.

Kaugnay nito, mabilis namang rumesponde ang mga bumbero para apulahin sunog.

Read more...