Planta ng gulong sa Clark Freeport Zone, nasunog

 

Nasunog ang isang planta ng mga gulong sa loob ng Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga kaninang hapon.

Batay sa inisyal sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, pasado alas-tres ng hapon nang magsimula ang sunog sa planta ng Yokohama Tire Philippines.

Iba’t ibang litrato ang ipinost sa social media ng mga nakasaksi sa sunog.

Sa ngayon, walang pang nai-uulat na halaga ng pinsala o sugatan sa insidente.

Inaalam na rin ang sanhi ng sunog.

Read more...