Batang Gilas, panalo kontra Singapore sa SEABA U-16

 

Kai
File Photo

Panalo ang Batang Gilas sa iskor na 108-42 kontra Singapore sa 2017 SEABA Under-16 Championship sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Kai Sotto ang koponan na nagtala ng 17 points, 5 rebounds at 3 blocks habang nagtala namn si Rence Padrigao ng 14 markers, 3 boards, 6 assists at 4 steals.

Nagdagdag din si Terrence Fortea ng 14 points, 8 rebounds at 4 dimes para sa koponan ng Pilipinas.

Ayon kay Coach Mike Oliver, marami pang mga bagay ang kinakailangan trabahuin ng koponan.

Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Indonesia bukas, araw ng Lunes.

Read more...