Duterte, ipinaliwanag ang P3 milyong pagtaas sa kanyang net worth

By Isa Avendaño-Umali May 14, 2017 - 02:13 PM

 

duterte-3-620x413Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tatlong milyong pisong pagtaas sa kanyang latest net worth ay mula sa hindi nagamit na pera noong kampanya para sa 2016 presidential elections.

Paliwanag ni Duterte, wala nang halaga ang pera at kung tutuusin ay hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang naturang salapi.

Pero idineklara niya itong income sa kanyang State of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Pagtitiyak ng pangulo, nagbayad siya ng income tax para sa pagtaas ng kanyang income.

Noong mga nakalipas na araw, inilabas ang SALN ni Duterte kung saan ang net worth nito ay tumaas sa P27.43 million mula sa P24.08 million, anim na buwan makalipas na maging presidente ng bansa.

Ang kabuuang assets naman ni Duterte ay nasa P25,180,094.04 habang ang liabilities ay P1,100,000.

Maalalang ilang beses na sinabi ni Duterte na wala siyang pera subalit may mga tumulong sa kanya upang mairaos ang kampanya sa pampanguluhang halalan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.