Mga nanay na mananakay ng MRT, nakatanggap ng rosas ngayong Mother’s Day

By Rod Lagusad May 14, 2017 - 01:42 PM

 

MRTKasabay ng pagdiriwang ng Mother’s day ngayong araw, namigay ang mga staff ng MRT 3 ng mga pulang rosas sa mga nanay na pasahero.

Bukod sa pamimigay ng mga bulaklak ay may pagbati rin ang mga ito ng “Happy Mother’s Day”.

Ikinatuwa naman ito ng mga ina na nakatanggap ng mga bulaklak.

May ilan na nasurpresa sa naging pamimigay ng bulaklak.

Samantala, nanatili namang normal ang operasyon ngayong MRT 3.

TAGS: Mother's Day, Mother's Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.