Duterte, tuloy sa pagtupad sa kanyang campaign promises

By Isa Avendaño-Umali May 14, 2017 - 01:38 PM

 

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Patuloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad sa kanyang mga ipinangako sa publiko noong eleksyon, ayon sa Malakanyang.

Reaksyon ito ng Palasyo kasunod ng lumabas na resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS kung saan 53% ng mga Pilipino ang umaasang tutuparin ni Duterte ang kanyang campaign promises, na mas mababa kumpara sa 63% na naitala noong maupo siyang bilang pangulo noong nakalipas na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nananatiling desidido ang presidente na maisakatuparan ang mga pangako nito laban sa ilegal na droga, kriminalidad at kurapsyon.

Naniniwala si Abella na nararamdaman na ng nakararaming Pilipino ang epekto ng mga pagtatrabago ni Duterte.

Samantala, kumpiyansa si Abella na mataas pa rin ang trust and approval ratings ng pangulo.

Batay sa SWS survey, mula sa 83% noong nakalipas na taon, ay 78% na ang ratings ni Duterte.

Ani Abella, maaaring ang pagbabasa ng puntos ni Duterte ay bunsod ng aniya’y ‘orchestrated events’ na pakana raw ng mga kritiko ng administrasyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.